Tuesday, October 27, 2009

Alone

Ang lamig ng gabi pag wala ang init ng iyong katawan
Hanap ang yakap mo at lagkit ng iyong titig

Mag-isa ako ngayon sa silid nating munti
Nagsilbing saksi sa ating pag-iisa

Ngayong wala ka sa tabi ko sa ating kama
Ang bagal ng takbo ng oras na dati’y mabilis pag kapiling ka

Ang kumot na nakabalot sa akin ay ‘di matutumbasan ang init ng higpit ng iyong mga yakap
Natutulala, nakakatitig sa kawalan sa dilim ng gabi

Nakalimutan ko na mag-isa noong ikaw dumating
Pano na ang mga gabing wala ka sa piling ko

Bumalik ka na
Maghihintay ako

Xoxo

The Curious Cat

P.S. Image belongs to http://www.lucis.me.uk/ALONE.jpg

12 comments:

  1. aaawwww... magkumot ka ng makapal... baka siponin ka. magiging malamig ang mga susunod na gabi para sa iyo.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Sana ay hindi kayo nagkatampuhan... =(

    ReplyDelete
  3. katulad ni galen, hangad ko na sana'y okay ka lang..at salamat nga pala, kasi dahil sa mga post mo na tulad nito, nararamdaman kong ako'y isang tao

    ReplyDelete
  4. oo nga, nasaan ang iyong partner?

    ReplyDelete
  5. nandito rin naman ako, nag-iisa. pwedeng-pwede kitang samahan. nyahahaha!

    joke lang.

    hope everything's ok with you and your partner. *hugs*

    ReplyDelete
  6. john stanley: isa kang kiri.

    of the highest level.

    hahahahaha

    Xtian: lika nga dito. hug kita ulit ;)

    ReplyDelete
  7. kuya xtian, lumalabas talaga ang kakulitan ko kapag bad trip ako o kaya naman ay nalulungkot

    actually, madami pa akong pictures, na puro super kalokohan ang pose, nahihiya na lang akong ipost..hehehe

    hug nga kita...muwaah

    ReplyDelete
  8. oh no.. i hope everything's okay. i have my fingers crossed na he just left for a business trip or something. if it's the other thing, i hope u guys work it out.

    ReplyDelete