Thursday, January 28, 2010

5


Kung iisipin numero lang naman ang 5. Sa iba malamang wala gaanong halaga ito. Sa iba naman, nagiging tagapaalala nila ito sa mga mahahalang bagay na nangyari sa buhay nila. Kaya minsan ang 5 ay hindi lamang simpleng numero.

Maalala ko dati, sabi mo magkita tayo sa Whistle Stop sa may Shang sa Ortigas. Sabi mo gusto mo lang ako makita. Ayun umupo tayo sa labas ng resto na 'yun. Kinwento ko pa nga sayo na sa loob ng resto na 'yun ay nag-dare ang isang katrabaho namin dati na makipaghalikan ako sa katrabaho ko na babeng may gusto sa akin at kinunan pa nga kami video at pictures.

Tumawa ka ngunit biglang naging seryoso. Sabi mo sa akin ito na ang huli nating pagkikita. Nagulat ako, nalungkot at nasaktan kaya tinanong kita kung bakit. Sabi mo matagal mo na ako tinatanong at wala pa din ako sagot sa mga tanong na 'yun. Pero hindi ka na nagsalita pa, sa halip inabot mo sa akin ang isang liham.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang nakatuping papel at simulang basahin ang iyong liham.

Doon ko nalaman lahat ng saloobin mo. Kung paano ka nahihirapan sa sitwasyon natin. Kung ano nararamdaman mo para sa akin. At kung paano pag hindi na nga naging tayo.

Biglang luminaw sa akin ang lahat, mga tanong ko sa sarili ko kung ano bar in nararamdaman ko para sayo, para sa atin ay biglang nagkaroon ng kasagutan. Tumingin ako sa 'yo. Ngumiti at sinubukang hawiin ang lungkot sa 'yong mga mata. Kaya ayun sinagot ko na ang matagal mo nang katanungan.

Naging tayo na.

Biglang ngumiti ka na din. Siguro natuwa sa sagot ko sa 'yong katanungan. Gusto ko pa din sana natagalan pa ang pagtambay natin sa resto na 'yun kaso may mahalagang bagay ako na pupuntahan pa. Kala ko ihahatid mo lang ako para makasakay sa MRT patungong Makati, pero sumabay ka at inihatid ako hanggang sa Greenbelt.

Nagpasalamat ako sa 'yo sa ginawa mo na 'yun. Sa pag-alis mo pabalik ng QC ay taglay ang kakaibang ngiti na ngayon ko lang nasilayan sa maamo mo'ng mukha. Gayun din sa akin, tinutukso pa nga ako ng mga kaibigan ko na parang may iba daw sa aura ko at sobrang masaya ako.

Ang saya natin noon di ba? Limang taong nakalipas na 'yun. Naalala ko lang. Naalala mo pa din ba kaya ang araw na 'yun?

Xoxo

The Curious Cat

P.S. Image courtesy of http://www.mediateletipos.net/wp-content/images/2006/06/live5.gif

12 comments:

  1. since i started reading tarot & exploring my intuitive side, numbers has been a big part of my love by then rin. numerology has some crazy shits to offfer - try it out :)

    ReplyDelete
  2. Maalala niya yun, pag wala na kayo sa isa't isa. Yung entry ko na title ay ikalima, hindi nalalayo sa sinulat mo dito. Ingat ka lagi Mister T.

    ReplyDelete
  3. ang mga alaalang tulad ng naikwento mo ay hindi basta bastang nawawala and they have a weird way of lingering in one's system.

    ReplyDelete
  4. kahit papano naging importante ka rin sa buhay niya. hindi naman nawawala ang pagmamahal, nagbabagong anyo lang.

    ReplyDelete
  5. minsan naging 'leveler' ang mga magagandang nakalipas lalo't nasagitna ng di pagkakaunawaan sa isang tao, ito man ay kaibigan o kasintahan o katuwang sa buhay, kung kayat ang mga galit at tampo ay lumalamig sa init ng masasayang alaala.

    m/e/m/o/r/i/e/s...:)

    ReplyDelete
  6. how sad. :c wala na akong masabi. parang everything i can say/type feels wrong.

    ReplyDelete
  7. nagmamarka sa bawat isa ang mga pangyayaring gaya nito.

    ReplyDelete
  8. naalala nya pa yun, yun nga lang, di katulad ng kung pano mo yun nirereminisce. :(

    *hugs*

    ReplyDelete
  9. Malamang naaalala niya rin yun.

    Yun nga lang (baka) alaala na lang. =o(

    ReplyDelete